Tisoy and Elize
Saturday, October 6, 2012
intro
"O ,pare hintayin kita sa kotse .mag moment ka muna" pabirong sabi ni Jun Jun.
"Sige , sandali na lang ako" si Tisoy, sabay tingin sa puntod.
"Hi Elize ,ang ganda nang sikat ng araw ,anoh? ahh..magpapaalam sana ako, pupunta ako ng Amerika. Doon ako magpapractice ng pagkadoktor.Sabi kasi ni Tita Leila na magkakaroon ako ng maraming experience doon lalu na sa field na i-specialize ko. " sabay ngiti " Alam mo ba kung ano ang specialty na gusto ko? ...Neurosurgery."
"alam mo naman kung bakit diba?"
"Pagkabalik ko, doktor na ako, makikita mo.Diploma naman nang pagkadoktor ang iaalay ko sa iyo "
Nilapag ni Tisoy ang mga puting bulaklak sa tabi nang pangalan ni Elize at itoy pumalayo na .
"Pare, ilang taon na rin ang nagdaan, hindi ka pa yata nakaka move on." si JunJun habang nagmamaneho ng Ford Escape.
"paano na lang ang pinangako mo sa kanya na bubuksan mo ang iyong puso para magmahal muli, kung hanggang ngayon, araw araw mong kinakausap ang puntod nya."
"Kaya nga napagdesisyon ko na pumunta ng Amerika for that reason."
"Gagawin ko ito para sa Pangako ko kay Elize"
Subscribe to:
Posts (Atom)